Inihahanda ang iyong account…
Inihahanda ang iyong account…
Kilalanin ang mga kuwento sa likod ng maliliit na layunin—mula sa pangkape hanggang sa pamasahe pauwi.
MAG-LOG IN O GUMAWA NG ACCOUNT
PANAHON NANG BAGUHIN ANG NAKASANAYAN
Ang mayaman ay lalong yumayaman.
Ang mahirap ay lalong naghihirap.
Para sa mas pantay na pagkakataon, gawing bahagi ng pag-unlad ang pagbabahagi. Simulan sa pagkilala sa pangangailangan ng iba.
MULA SA MGA MANLILIMOS
Iba-ibang pangarap. Pare-parehong may kuwento.
Isang pader para sa maliliit na bagay na mahalaga.
“Hindi naman coffee shop ang pangarap ko. Isang kape lang bago magtrabaho. Buti may lugar din pala ang ganoong kaliit na goal.”

Mara
Persona ng Palimoz
“Nilagay ko ang kuwento ko, pati ang target. Mas madaling ipaliwanag ang pangangailangan kapag may espasyo kang magsalita.”

Paolo
Persona ng Palimoz
“Ang iba, next destination: Europe. Ako, next destination: bahay. Magkaiba man ng layo, pareho pa ring may pupuntahan.”

Nina
Persona ng Palimoz
“May résumé na ako. Internet na lang ang kulang. Dito, puwedeng maging malinaw at diretso ang isang simpleng hiling.”

Jules
Persona ng Palimoz
“Hindi kailangang engrande ang bawat pangarap. Minsan, sapat nang may meryenda sa dulo ng napakahabang araw.”

Bea
Persona ng Palimoz
“May five-year plan naman ako. Pero kapag umuulan, mas kailangan ko muna ng five-minute plan para makauwi nang tuyo.”

Anton
Persona ng Palimoz
MGA MILYONARYO AT BILYONARYONG BENEFACTOR
Bakit sila nakikibahagi? Ito ang sinasabi ng mga mayamang benefactor sa mundo ng Palimoz.
“Sanay akong tumingin sa malalaking numero. Dito, naalala kong may kuwento rin sa likod ng maliit na halaga. Hindi lahat kailangang may board approval.”
Don Alfonso de Barya
Bilyonaryo · Real estate
Maliit na halaga. Mas personal na pagpili.
“May portfolio ako para sa long term. May Palimoz ako para sa pangkape ng isang taong may mahabang araw. Pareho silang pinag-iisipan.”
Doña Victoria Dividendo
Milyonarya · Retail investor
Isang bagong pananaw sa paglalaan.
“Ang hinahanap ko: malinaw na goal, maikling kuwento, at diretsong pagpili. Nandito lahat. Sa wakas, walang 40-slide pitch deck.”
Miguel Puhunan
Milyonaryo · Tech founder
Mas kaunting presentasyon. Mas maraming kuwento.
PARA SA MGA MILYONARYO AT BILYONARYO
May mga layuning hindi kailangan ng isang foundation o gala dinner. Minsan, nagsisimula lang sa pagkilala sa isang kuwento at pagpiling makibahagi.
Pumili ng susuportahanAt oo, puwede rin kahit hindi ka nasa Forbes.
Kilalanin ang tao at basahin ang buong kuwento bago pumili ng susuportahan. Mas personal kaysa sa isa pang spreadsheet.
Pumili ng halaga na akma sa iyo. Kahit marami kang zero sa net worth, may lugar pa rin dito ang isang piso.
May malinaw na target at tala ng mga ambag sa bawat profile. Sundan kung gaano na kalapit ang isang maliit na layunin.
PARA SA MGA MANLILIMOS
Hindi kailangan ng perpektong pananalita o malaking pangarap. Simulan sa kung sino ka, ano ang kailangan mo, at bakit ito mahalaga.
Ipakilala ang iyong persona, ilagay ang iyong lokasyon, at ikuwento kung bakit mahalaga sa iyo ang iyong layunin.
Pangkape, pamasahe, o baon sa trabaho. Ikaw ang magtatakda ng layunin at halagang nais mong maabot.
Makikita sa iyong profile ang mga naitalang ambag at pag-usad patungo sa target. May puwang dito ang maliliit na pangarap.
May lugar ka sa Palimoz. Mag-log in, piliin ang iyong role, at simulan ang unang kuwento.
Magsimula sa PalimozIsang Google account lang ang kailangan.